Sa sulating papel, ilang letra ang nailimbag para lantaran maipahayag na ang pagdarahop sa alpabeto ay ang masamang salagimsim na pasanin
Mapait ang sasapitin sa guhit ng palad Makulimlim na hudyat ng kaharian Sa malas na katalagahan Ang pangawan na nag-alingayngay Nagtitiis nang pagkahimay-himay
Mahabang kadena na nakakabit Sa dantaon na nagnobena sa templo Ang naisaulo lang sa gilid ay ang iba't-ibang kapintasan na nagkadikit-dikit at nagtatanikala
Natumba sa kaskaho ang nanlambot na tuhod Ito'y naging karanasan ng pilay Ginamit ang tungkod ng katatagan nang maayos na kumandirit sa daan
Karamdamang na di maibsan Ang pagtitimpi ay sadyang kahinaan Tila'y sakitin na sisiw nagtatampisaw sa baha na sa inahin nakahanap ng pagkalinga