Sa look ng kabihasnan ay niluray ang moral hanggang wala na natira sa kasarilihan Matayog na pananaw ay lumulubog parang tumatandang lawin
Ang katauhan ay yumayabong na talahib na inaambon sa larang ng mga lapida Kaya musika ng panananghis ang nakatadhana Mapanglaw sa linang
Ang kalakasan ay nahahamugan Nang pagsulong nito tungo sa kapangahasan Isang paa ay nasa libingan
Kahit anuman ang makatugon sa pagdaralita nang malapot Sa antas ng balangaw, ano ang ipinapahiwatig? Masilayan man ng busabos, walang linaw sa intuwisyon
Ihalo ang walang kaugnay na pangungulila sa balangkas ng talambuhay Magbuo man ng introduksyon Di pa rin makabangon sa panimula ng akda