Ang haplos ay malamig di man naninigas nanatili walang kibo Sa paghagok ay naninibago -walang malay parang nag-iidlip
Isigaw ang pangalan ng mga santo, patron at lalo naΒ Β ng Diyos -magbigay pugay Ang pulso muna ay hanapin mula ulo hanggang binti
Ginto at pilak, walang katumbas Ang hinirang na anak Niya'y di kinalimutan Parirala ng buhay ay papintig-pintig sa ibang dimensyon na ng daigdig
Tuldukan ang kasulatan sa Libro ng mga Buhay Sapagkat buhat-buhat ang maputlang kamay Sa kuko matatanto habang nakaratay Nagiginawan pati ang laman na nasa hukay
Libu-libong ektarya ang pagpapasyalan Maraming kakaibiganin maging sinuman Nakikipagkapalagayan ng loob ang lahat-nagpapatawad Pagbubuklodin ng pagsinta
Nililok ang estatwa sa dibdib ay namalagi Paalalang ipirmi, di iwaksi Samut-saring emosyon ng dilim ang ginamit sa pag-ukit