Nais kong humimlay ang tibok ng puso sa saliw ng taludturan Subalit pipi ang mga daliri sa pagdiin sa tipaan. Mga hikbi’y nalulunod sa naiwang bakas naghihingalong daing kalungkutang di-matawaran
Para na kitang anak, at maraming salamat Itinuring mo akong tila pangalawang tatay mo rin At sa wika ng sabong, sa lalawigan nating alamat hindi ka na tatyaw, kundi mahusay na talisayin
Narating mo ang rurok At iyong hinawakan ang mga alapaap ng iyong malaon nang pangarap Sa musmos **** puso namulaklak ang maliwanag Sa isip na pinagpala nagbunga ng pang-unawa, karunungan at syensya’y para sa madla, ipamahaging parang kawanggawa.
Hinahanap ka ng mga kabag na kinatakutan ng iba ngunit iyong kinilala’t niyakap: “Nasaan na si Kuya namin? Bakit di pa dumarating? Tutubusin niya kaming pawa sa panganib ng pagkasira.”
Naghihintay mga bundok at gubat May luklukan pa sa yungib kung saan namamahinga ang malayang pangkat. Subalit tahimik, walang sumasagot . . . Puyat ka sa magdamag ng buhay **** makulay at tampok. Hindi ka sumasagot - Naabot mo na pala ang tugatog.
Magkaganun man, malayo pa ang layunin Kami’y tutuloy pa sa ating lakbayin Paalam kasama, kaibigan namin. Mga aral na naiwan, laging aalalahanin.
Dedicated to the memory of James de Villa Alvarez, 21 April 1991-08 December 2018, who perished while on fieldwork as a wildlife biologist on Mount Apo in Mindanao, The Philippines. The poem summarizes my appreciation for him as well as my feelings of sadness and great loss, he being a protege who we expected to continue our science and advocacies.