Ang tuyo na lupa sa kapatagan ay naghihikahos Kahit diligan ito ay hindi mangabubusog Sa tigang na kaanyuan
Puso'y parang pipi Patulak ang mga lumalabas na salita Silakbo ng pag-ibig ay huwag pigilin Datapwa't bulagin ang mga mata Si Dessa ay di na makita
Ibinuhat ang korona Sa hari kung saan nakatungtong At ang hiling habang buhay na magkapiling Di palalampasin ang sandaling magkasama
Kahangalan ang sabi ng pari Halikan ang paa di ang labi Laging nabibiyak ang kasunduan Pinermahang papel isampal at ihati Ang hinihinging kapalaran sa isang panig ibig
Ang dating pakiramdam ay laging bumabalik Sana'y tanggapin ang handog na na nanggaling sa kaibuturan ng pagsinta Ngunit hindi maalis ang ligalig