Kunin ang litrato sa sulok na nag-iisa Pakinggan ang himutok sa kwadradong kahoy nakapatong ng bangkay naΒ Β nangangapa pa
Buuin ang palaisipan Kung may itsura ay hugutin ang kasagutan sa bugtong Tulungan mabatid ito, iwasan ang pagkalito Nababalisa ang gabi at di makatulog
Munting daliri ay igalaw Ngunit nanatiling tamad ang mga braso Sa pagkabog ng dibdib Ang halinghing ay maririnig Sa kalaunan ay parang di na humihinga
Kinakalawang sa silid Nakahandusay sa silyang rektanggulo Tiisin ang katahimikan Magdurusa sa kaawa-awang mga oras na di pa umaga Malayo ang araw at mga bituin ay pinagkait pa
Tagpi-tagping tela ang lulan ay hinala Magbuntong-hininga ito makipag-usap Isinalaysay ang pagdaralita Nakatikom ang bibig Maghihilom din bagkus di makatawa
Magmumukmok sa loob ang walang saysay na uwak Idagit ang kabuluhan Ang pakikipagsapalaran ay sakuna