Puno ay tumatanda Nalalagas ang dahon sa balingkinitang mga sanga Minsan may lagutok na maririnig- biglang pagluksa
Itanong kung kailan ang mga lawa ay matutuyo Tubig niyang malinaw, may lalim na hindi matanto Ito'y pagtahak sa walang hangganang hiwaga
Espiritung gala, isipin ang kalagayan ng katawang lupaypay Turukan ng gamot o ng gunita ng kasiglahan Halik ng kahapon ay alaala ng kahapisan
Hawakan ang kamay na nanginginig Matamlay na anak Niya'y sa aruga salat Ang paglipas ng oras ay gayundin ang pasasalamat Habaan ang sandali na may hininga't sarap
Pawis na nakabilad sa hamon ng buhay Mararanasan ang init at pait Ang pagpapahalaga sa katapusang ninanais kaakibat ay lumbay
Paruparong itim magkatambal sa paglipad May babala man huwag isaisip Pusang tumawid sa harapan Ibaling ang paningin Magrosaryo saglit, sino ang mawawalan