Ba’t siya pa? Ba’t hindi nalang iba ? Ba’t sa kanya kopa to nadama Jusko ayoko na tama na
Ginawa kona ang lahat Pero hindi pa pala sapat Alam ko namang sa pag ibig mo ako’y di karapat dapat, Pero sana naman wag mokong iwan at ituring na parang kalat
Kasi kahit na ganito May pinag samahan naman tayo, Diba naging matalik na kaibigan moko? Pero bakit ganito?
Mga ginawa koba’y kulang? Oh sadyang manhid ka lang? Andito ako nag pupumilit na mapansin mo Pero ang atensyon mo naka tuon sa ibang tao
Di pa tapos ang tula kong ito Andami ko pang mga bagay na gustong itanong sayo Katulad ng bakit siya? At hindi nalang ako? Ba’t mo pa pinadama na parang minahal mo ako?
Ganon parin pala Sa huli ako parin pala ang talo Nagwagi siya sa paligsahang ito Siya ang taong binigyan ng ganting pala
Siguro kasalan ko din to Dapat pala natuto nako Dapat na kita ko na ang mali ko sa simula palang nito Di pa sana nadurog tong puso ko
Dito kona tatapusin to Alam ko na iba ang mahal mo Kaya ako’y gigising na sa panaginip nato At kusang lalayo na sa inyo
First ko po tong upload. Be gentle po sakin Ito po ay dinidekada ko sa pinaka matalik kong kaibigan na sa huli ay inibig ko