Kung sakali man dumating yung araw na Di ko na nagagawa lahat ng nakasanayan nating gawin Na minsan ay mawalan tayo ng oras sa isa't-isa, Na magkatampuhan at mag-away tayong dalawa Na maging abala tayo sa ibang mga bagay At pakiramdam mo ay nawawalan na tayo ng kulay.
Kung sakali man na hindi na tayo magkaunawaan Na minsan hindi na tayo nagkakaintindihan Na wala na saatin ang kayang magparaya Na pakiramdam natin ay pareho na tayong nagsasawa
Kung sakali man pakiramdam mo na di na kita mahal Kung sakali man na dumating lahat ng 'yon, Talunin natin lahat ng problema, magpaubaya sa isa't-isa Sana maisip natin yun rason kung ba't tayo tumagal. At 'wag tayong susuko mahal.