Alam ko tong daan na to, Daang patungo sa'yo. Daang paulit ulit na lalakarin, Makita ka lang, ang laging hangarin.
Paa'y di mapapagod sa paglakad, Hindi mapipigilan na kahit na sino man. Ako sana'y iyong mapatawad Sa mga pagkukulang ko noon paman.
Hinahanap-hanap ang mga ngiti mo Ngiti **** nagbibigay ng saya sa katulad ko. Gustong-gustong marinig yung boses mo. Boses **** tila magandang awit sa mga tenga ko.
Kaya't kahit gaano man kalayo, gaano man katagal Hindi mapapagod ang pusong magmahal. Kahit ano pang pagsubok ang harapin sa daan, Makita ka lamang, mahawakan at mahagkan.
Gustuhin man nila akong lumakad palayo sa'yo. Lagi ko paring tatahakin ang daang patungo sa'yo