Naaalala ko pa ang sandaling sinigaw mo sa mundo pagmamahalan ay kailanman di magbabago Sabay hawak sa aking mga kamay Habang nanonood sa paglubog ng araw sa Pagsapit ng dilim patuloy na humihigpit ang iyong pagkapit at hindi bumibitiw Sa gabing mga bituin ay nagniningning na kayang kaya kong ikumpara sa iyong mga ngiti na kailanman di mo pinakita sa kanila na tanging akin lamang at hindi maaagaw ng iba
Naaalala ko pa Ang mga pangakong narinig ng aking mga tenga sa harap ng dambana na tanging kamatayan lamang ang makakapaghiwalay sa ating dalawa at nakita mo ang mga tumutulo kong luha na labis na di makapaniwala na ang babaeng nasa harap ko ang babaeng mahal ko ang babaeng hinintay ko ang babaeng pinangarap ko ay ang babaeng pakakasalan ko
Maaalala mo pa kaya kung sakaling isigaw ko ulit sa mundo na patuloy ang pagmamahal kong di magbabago kahit wala na ang kamay na minsa'y humawak sa akin ng mahigpit kung bakit bumitiw mga gabing dadaan na magpapaalala sa iyong ngiti kung gaano kahapdi at kung gaano kasakit na ang babaeng mahal ko ang babaeng hinintay ko Ang babaeng pinangarap ko Ang babaeng nangako at sumigaw sa mundo Na ang pag ibig natin ay walang hanggan pero bakit andito tayo sa dulo mararamdaman mo ang kaba at lungkot sa puso ko ang isip kong di magkandaugaga kung paano ko ipapahayag ang aking nadarama simula sa unang pagkikita sa pagsambit ng mahal kita At mamahalin kita kahit abo na lamang ang pinanghahawakan ko sinta