Noong ikaw ay unang makilala, mundo ko ay nag-iba. Isip ko ay umariba, puso ko nama'y tumaba. Sa ganda **** taglay, ako ay napalupaypay. Titig ng iyong mata'y, binura ang dala-dalang lumbay. Buhay ko ay lalong sumaya nang makita kita, Pero ano itong nadarama, pag tumingin sayo'y natutulala. Hinanap ko ang dahilan at sa wakas ito'y natagpuan. Ang inaasam-asam na katotohanan ay aking nahanap. At nang ito ay nahagilap, nabigla ako't napakurap. Sa sandaling bumukas ang mata ko'y, ikaw ang nakita. At doon ko napagtanto, gusto na pala kita.
Ngayo'y alam ko na kung bakit, paano ko kaya ibabatid ang nararamdaman kong labis. Buong araw nagiisip, halos mapudpod na ang ginagamit kong lapis. O sinta aaminin kong hindi ako makatingin ng direcho. Sa titig mo ba naman kapag magkausap tayo. Di ko makakaila pero nakakakilig syempre, peroΒ kailangang lumiko, patay malisya nalang ang palusot ko. Simpleng minamasdan ka. Bat di ako nag sasawa? Wala ka mang ginagawa. Sayo ako'y namamangha. Pero ako'y nagtataka. Ano nga ba ang meron ka. Bat sayo ko nakikita. Bagay na wala sa iba.
Nabihag mo ako, gamit ng iyong mga mata, gamit ng iyong mga ngiti, gamit ng iyong maamong mukha. Nabihag mo ako. Wala akong maisip na paraan kung paano mo ito mababasa. Pero kung sakaling ako'y magbabasa sa harapan. Sinisigurado kong ikaw ang dahilan. Dahilan kung bakit nagawa ko itong tula.