Salitang Ingles na ginagamit para sa mamamayang nagbibigay-ingat at nagbabantay sa mga tumatawid na mga manlalakbay sa pagitan ng mga mundo.
Habang niyayanig ng mga kontradiksyon, panatiliin ang sarili, tapusin ang mga paglalakbay ng walang patid, Hindi dahil walang patlang, kung hindi dahil kabahagi ng pagsuong maski dilim, patlang, at kawalan.
Patuloy na tumuklas at buuin ang sariling praktika, hanggang tuluyang matutunan kung paano tahimik itong pakawalan ng walang pag-iimbot o pagtanggi sa Lawa na nagbabaga sa pagal ng mga kaluluwang hindi na makalapag at makapagugat sa ilalim ng lupa, ngunit hindi rin makauwi sa pinangakong lupa, langit at tubig na ngayon ay isang lotto ticket, SDO, at mga gawa-gawang karapatan. Ayon din sa matatanda, hindi ito mababago, at nabubuhay tayo para makidigma at patuloy na tumaya.#