Ma, minsan sumasagi sa isip ko, anak nyo ba talaga ako? Mahal nyo ba talaga ako? Concern ba talaga kayo sakin? Kase kung gano kayo kaingat sa mga kapatid ko, ganon naman katindi yung pagbato nyo ng mga masasakit na salita sa akin at utos na minsan pasigaw At pagalit pa. Kung gaano kayo kaasikaso Sa kanila ganon naman kayo ka walang pakelam sa akin. Kahit simpleng pagtatanong lang Sa akin ng "kumain kanaba?" "Pagod kana ba?" "Kaya mo paba?" Wala. Ma! Ako tong gumagawa ng lahat para mapansin nyo lang, ako tong kumikilos para maging malinis at maayos Yung bahay habang kayo ng mga kapatid ko nakahiga at nanunuod lang ng tv. Pero hindi yun ang napapansin nyo ang napapansin nyo parin Yung kamalian ko, Yung mali sa bawat galaw ko, kahit gaano kadami yung ginawa Kong tama, mali ko parin ang inyong nakikita. Simula bata pa lang ako, Lahat nlang ng mali ko ang nakikita nyo. Lahat nlang ng bagay sa akin Nyo isinisisi. Masakit, oo masakit kase yung Akala kong taong magpapahalaga sa akin, sila pa mismong di ako pinapahalagahan, Kung sino pa yung taong dapat na umiintindi sa akin, Sila pa yung walang **** saakin. Ako tong bunso e, akala ko kapag bunso yun yung binibaby at inaalagaan ng husto, Pero bakit ganto? Turing nyo sakin parang di nyo kapamilya. Lahat ng gusto nyo sinusunod ko, Ni kurso na kukunin ko sa kolehiyo yung kagustuhan nyo ang sinunod ko, sinunod ko para lang maging proud kayo sakin. Sana Pag dating ng araw makita nyo yung mga effort ko at halaga ko. Siguro... Sadyang walang kwentang anak ako, Walang bilang dito sa mundo. Hayaan mo ma, naiintindihan kita. Mahal kita ma, mahal mo din naman ako diba? Balang araw makikita nyo rin Ang halaga ko. Pero siguro makikita nyo lang yun kapag wala nako dito sa mundo. :)