Sinubukan kong itago ang nararamdaman Sinubukan kong sarilinin ang lahat Upang walang makaalam. Dahil sinusubukan kong lumayo, Lumayo sa mga mapanghusgang Isip nang nakararami, Sa mga matatalim na salita Na animo'y kutsilyong unti-unting Ibinabaon sa aking pagkatao At bawat salita na nag-iiwan ng marka Sa aking isip at puso. Ngunit sa aking buhay ay wala silang malay, Wala silang kamalay-malay sa sakit na kanilang naidudulot, Mga mapangahas na salita na lumalabas sa kanilang bibig ay punong puno ng poot. Pilit pinahihiwatig na buhay ko'y walang saysay. Ngunit sa kabila ng lahat, Ako'y patuloy na mangangarap, Mangangarap hanggang sa ito'y makamtan kong tunay.