Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2018
Pinilit kong maging sha.
Ginawa ko lahat sayo katulad ng ginawa niya.
Minahal kita higit pa sa binigay niya.
Tinanong kita kung kulang pa.
Sagot mo, "Tama na, hindi ka naman sha e."

Hahayaan kita na mapunta sa iba dahil gusto mo.
Hahayaan kita na ipagpalit mo ko dahil gusto mo.
Hahayaan kita na magmahal ng iba.
Wag ko lang malalaman na masasaktan ka dahil hinayaan kita.

Nasaktan ka ba ng nalaman **** may mahal na kong iba?
Pasensha ka na ha?
Ayoko na kasing umasa, napagod na din akong maghintay.
Pero makakatulong ba kung sabihin ko sayong kaya ko shang iwanan para sayo?
Anton
Written by
Anton  23/Androgyne
(23/Androgyne)   
  187
 
Please log in to view and add comments on poems