Gusto kong tumakbo Ng malayo Kahit saan Kahit hindi ko alam ang lugar Kahit walang kasiguraduhan Kahit maligaw sa mga kantong nalampasan Para lang matakasan ang lahat O ang nakaraang gustong lipasan Tatakbo ako ng malayo Kahit sa kalsada ay mabangga, matumba pero sa huli ay tatayo pa din Na may nakalagay na bawal dumaan dito Marami nang namatay dito Hindi ako matatakot Hindi ako hihinto dahil Tatakbuhan ko ito
Gusto kong tumakbo Ng malayo Kahit saan Para makadiskubre ng bagong daanan Para may makitang mga bagong lugar na pwedeng nating puntahan Kahit abutin pa ng magpakailanman Abutin ng gabi ,madaling araw ,o kinabukasan pa yan Tatakbo parin ako Kahit Tulog na ang lahat Nagpapahinga at nananaginip Ng mga pekeng pantasya at ako ay tumatakbo pa Gising sa katotohanan at realidad Hindi parin tumitigil madadaanan ang mga nagtitinda sa kalsada ng balot at iba pa Dahil may gusto kong takasan May gusto kong puntahan Kaya ako tumatakbo
Gusto kong tumakbo Ng malayo Kahit saan Kahit mauhaw pa at matuyuaan ng lalamunan Hahanap ako ng tubig Para mabigyan ng bagong sigla At manatiling malakas sa takbo ng buhay Hindi ko ipapakita na ako ay pagod na Hinihingal Hinahabol ang hininga Hindi na ako magpapahinga Iinom lang ako at ipagpapatuloy ko ang aking takbo Kahit mapuno pa ng pawis ang aking likuran Mabasa ang aking buong kasuotan Dahil tatakbo ako Hindi ako hihinto Hindi ako mapapagod Hindi ako magpapahinga Gusto kong tumakbo Gusto kong tumakbo Gusto kong tumakbo
Ayoko nang tumakbo Gusto ko nang magpahinga Pagod na ako Hihinto na ako Dito lang nalang ako At Haharapin Hindi tatakasan Hindi tatakbuhan Dahil marami na akong nalampasan na lugar kalye, Kanto, Kalsada, Nalampasang pagsubok, problema, Hamon, Pagod, Na aking hinarap sa aking pagtakbo Hihinto At tatayo at magiging handa Para sa pagdating ng bagong simula Handa na ako Handa na ako Hindi na ako tatakbo