Ang ibon na lumilipad ng mataas Sumasabay sa ihip ng hangin Tumatabi sa dalampasigan Umaawit ng sariling awitin Ipinupundar ang mga hampas ng tubig na hindi kumukupas
Minsan nang sumayaw ang ibon Sa tabi ng dalampasigan Natukso ng init ng hangin At lamig ng karagatan
Sa isang sayad ng kanyang balahibo Hinatak ng aplaya ang bisig ng mumunti Nagsisigaw hanggang sa mawalan ng kibo Nangamba na hindi na makakalipad muli
Ang buhay ng ibon Tila isang kuwit Tumigil at nanahimik Naghihintay ng kasunod
Ngunit ang kuwit ay magpapatuloy parin Hindi tulad ng tuldok na katapusan ang hantungan Sa gitna ng pagbagsak at kalungkutan Tayo, katulad ng ibon, ay makalilipad muli