Hindi ko inakalang magiging ganito ang takbo ng mundo Nakita kita ng walang dahilan, mabilisan ang pagtatagpo Ni pangalan, ni salita, walang palitan na nangyari Kaya nga’t nagtatanong, paano ba ito? Ito ba’y maari?
Unang pagtatagpo, ni hindi kita namalayan Nagpakilala ka, hindi ko matandaan Sa isang silid, marami tayong kakilala Ngunit bakit hindi tayo nagkakilala?
Ikalawang tagpo natin, sa lugar na mahangin Magkatabi na tayo pero walang usapang nangyayari Tinatanong sa sarili kung uunahan ko ba ang storya O hahayaan na lang kita kahit na tayo’y magkasama
Lumipas ang oras ng hindi natin namalayan Lumipas ang oras iniisip ko’y walang katapusan Tinatananong sa sarili kung ikaw na ba Ikaw na ba ang sasagip sa pusong kong umaasa?