walang bago sa naimbak na lumot sa butas na alulod tiyak ang emosyon mata'y napupusyaw pipikit saglit lalamunin ng tugtog ang bagyo tahimik sa gitna nakamamatay sa paligid at hindi mo iyon batid
walang bahid ng luha walang pantay ang kulay o paa sa pagkabalisa magkapatong ang binti sa ginaw
walang tunog ang hudyat hindi mulat ang bantay walang tabing sa hangin walang pader sa habagat o bundok sa baha
walang ulila o buhos na tila inipong ragasa pagtitimpi