Susugod na sa bilang ng tatlo Isa… Dalawa… Tatlo… Sugod
Ang giyera ay nagsimula Ilabas na ang mga baril at sandata Ilabas na ang mga kanyon at bomba Ang mga tauhan at ang mga preda
Magsisimula na ang giyera
GIYERA Na tungkol sa pagbabalik wikang filipino Na minsan nang ipinagmalaki ng ating bansa At ngayon ay ikinahihiya at itinatago na lamang Na minsan nang ipinagmaybang at itinangkilik At ngayon ay naiwan lang at tinangay na Ninakaw ng mga dayuhan
Nang ito ay mawala ay bigla mo na lamang pinalitan Humanap ng iba sa paligid At sa katiyakan ay nakahanap ka nga
Nahanap mo ang ingles Kaya’t ikaw ay humanap ng sabon na magpapaputi Kinuskos ng kinuskos ng matagal ngunit di gumana Kumuha ng puting pampintura Kinulayan ang sarili Hindi lang ang kulay ng buhok ang nagiging artipisyal Pati na rin ang kulay ng sariling balat
Ngunit sa isang iglap ay ikaw ay nagsawa na Sa mumunting kulay na lagi nang nakikita Naisipan **** maglibot pa At lumibot ka pa
Nahanap mo ang koreano na nagsasabi ng “Hart Hart Saranghaeyo oppa” Kaya’t ikaw ay kumuha ng papel At nag-aral ng wikang banyaga Ngayon ay napakanta ka na rin ng kantahin Na kahit ikaw ay hindi makaintidi Pero kinakanta mo dahil nakakatuwa Hindi ba?
Hindi nagtagal ay nagsawa ka Sa mga kantahang hindi mo rin maintindihan Kaya’t naglakbay ka pa Naglakbay ka hanggang sa wala Naglakbay ka hanggang sa ang araw ay dumilim at unti-unting pinalitan ng tala Napagod ka
Napagod ka sa kahahanap ng bagay na hindi naman mapapasaiyo Nakahanap ka nga pero hindi naman ito sa dugo mo ay itinatanggap Nabigyan ka ng sagot na ang hinahanap mo ay Nasa’yo na mismo Hindi mo na kailangan humanap ng iba pa Dahil ang wikang hinahanap mo ay nakabihag lamang
Ibinihag ito ng mga espanyol sa dulo ng puso mo Para mapigilan ang pagbabago Pagbabago na makakasira ng kaisipang kolonyal na nagsasabing Ako ang piliin mo dahil dayuhan ako Itinatatak sa isip mo
Laging magiging sosyal ang banyaga Laging magiging bulok ang sariling wika Laging magiging sosyal ang banyaga Laging magiging bulok ang sariling wika
Nagtataka na ako sa iyo Ang sarili **** wika ay nakabaon lamang sa puso **** nakakandado Nasayo naman ang susi pero pilit **** isinasarado
Ano
nga ba ang pumipigil sa’yo
Handa na ako Sa aking pagsuko
Pagsuko Hindi dahil natalo ako Pero dahil idinedeklara ko na ang aking pagkapanalo Isusuko ko na ang mga sandata Isusuko ko na ang giyera
Inaanyayaan kita Sabay sabay tayo Magkahawak ang kamay at hindi kakailanganing bumitaw at maghiwalay Sama-samang baguhin ang mundo gamit ang sariling wika
Buksan ang nakakandadong puso At doon ay makikita mo ang sedula
Hawak ko na ang sedula Hawak ko na ang sedula Ng pagkabilanggo ng wikang filipino Handa na akong palayain ito at gamitin para sa pagbabago Ang dating linya ay magbabago
Laging magiging sosyal ang sariling wika Laging magiging sosyal ang sariling wika Laging magiging sosyal ang sariling wika Laging magiging sosyal ang sariling wika
Susuko na sa bilang ng tatlo Isa. Dalawa. Tatlo. Suko