Kapag Namulat ka sa katotohanan Kasalanan na ang Pumikit Babalik sa pinanggalingan Kalmado at hindi iimik Ititikom ang bibig at lulunukin ang mga salita Papalipasin ang kanina Ipipikit ang mga mata Dahil sa bagong umaga Magpapanggap na walang nag-iba Kaya Magbubulag-bulagan Sa pangyayari nakita
Ngunit kinakalabit ng konsensya Kinakabahan sa nakita Binubulong na magsalita na At Kailangan may gawin na, Kailangan may aksyon na
Hindi dahil sa natatakot Kundi dahil sa nakasanayang pagbalewala Hindi pagpansin sa biglang nakita Huhulaan magiging epekto Kapag ibinungad at inilantad sa mga tao Kaya mananatili nalang sarado Nakabaon Hindi iimik at itatago ang mga salita Kahit nagpupumilit iluwa