Tapos na ang araw Dumilim na ang kalangitan Dumating na ang buwan Nagliparan na ang mga bituin Kasabay ng pagdating ng pagod Sa napakahabang araw
Nagmamadali sa paglakad Pagaspas ang takbo ng mga paa Di matigil sa paghabol ng hininga Para lang makauna sa pila at makauwi na
Mapupungay na mga mata Walang pakialam kahit kanino Binabangga kung sinu-sino Nilalampasan ang mga tao Na parang nag-aalay lakad Hindi man lang humingi ng tawad
Kahit nabangga sa bilis ng hindi pag-iwas Walang Pake kahit makasakit Basta ang sarili ay makasiksik Sa Tren, Sa Bus, Sa jeep, Sa trike,
Unahang makauwi Okay lang kahit nakatayo Pero mas maswerte kung minsan nakaupo At kapag may babaeng nakatayo Pasensya na pagod ako Pasensya na ganito ako
Nakakainis Nakakabwisit Kanina pako nagsasalita Hindi parin ako nakakauwi Nandito parin ako Ambagal ng takbo Ang bilis ng oras Naipit sa daloy ng trapiko Parang hindi nausad at walang progreso Parang walang katapusang byahe na kalyeng naging preso Tulog na ang iba, nagpapahinga Pero ako nandito pa Sa gitna ng kalsada parang pagong ang pasada Nang mga sasakyang parang gamu-gamo Sisiksik pag nakakita ng puwang at espasyo
Tiis nalang at makakauwi din tayo Matatapos din ang takbo nito Hihinto sa destinasyon ng ating tahanan Makakarating din sa ating pupuntahan Hindi kailangang magmadali
Dahil ito ay walang katapusang Byahe ng ating buhay At bukas sabay nating itong sakyan
Wag po tayong magtulakan Lahat po tayo makakauwi sa ating pinanggalingan Hindi natin kailangan madaliin Ang byahe na walang katapusan