Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jul 2020
Umiiyak ka nanaman.
Nilulunod ang sarili sa alaala ng nakaraan.
Nakaraang winasak ka hanggang sa wala ka ng maramdaman.
Nakaraang sinumpa mo ngunit gusto mo pa ring balikan.

Sa sarili'y tinatanong ang mga katanungang wala namang sagot.
Umiinom ka nanaman ng lason na kalauna'y ginawa mo ng gamot.
Anong nangyayari sayo?
'Di ka pa ba napapagod?

Luha mo ay patuloy parin sa pagdaloy,
Habang nilalango ang alak na sa lalamunan ay umaapoy.
Nagluluksa ka dahil puso mo'y siya parin ang tinitibok.
Tangina, kailan ka babangon sa pagkakalugmok?

Madilim na langit ay unti-unti nang lumiliwanag,
Liwanag sa iyong ngiti kailan ko kaya ulit maaaninag?
Umaga na, di ka parin tapos sa pagtangis.
Hanggang kailan ka ba magtitiis?

Mahal ko, tama na.
Ako ang mas nasasaktan sa iyong ginagawa.
Tahan na, mahal ko, parang awa mo na.
Baka ikamatay ko na kung bukas iiyak ka nanaman dahil sa kanya.
Julianne
Written by
Julianne  22/F/Philippines
(22/F/Philippines)   
380
 
Please log in to view and add comments on poems