Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jul 2018
mabuti pa rin ang bawat umaga sapagkat naroro'n ka
sumusulyap kung manunuya ang kadiliman ng langit ngunit salamat sa liwanag

batid **** sa pag-ibig ko sa bayan ay palaging kasunod ka
ang mapagpalaya **** tinig sa gitna ng mga sigaw
taas kamaong kumakapit sa apoy ng rebolusyon

naririto pa rin ako lumiko man ang daan
mananatili sa pagkaway ng bukang liwayway
at kung sa panahong hindi ko na makapa ang taling nag-uugpong sa ating dalawa
lumingon ka lamang pabalik sa sining at pluma
tambisan mo ng liyab ang mga salitang magmamarka
saliwan mo ng musika ang dalit ng maralita
lilingon muli ako aking sinta,
at doon ay makikilala kita.
63018
George Andres
Written by
George Andres  19/your universe
(19/your universe)   
1.1k
 
Please log in to view and add comments on poems