Ang kuwentong ito ay tungkol sa pinakamagandang yugto ng buhay ko, ang high school. Sa high school kasi, maraming uri ng kalayaan ang pwedeng gawin. Malaya tayong gawin ang gusto natin. Pwedeng mag-aral tayo nang mabuti, pwedeng hindi. Depende sa estudyante kung paano niya tatpusin ang araw niya a loob ng paaralan. Dito ko natutuhan kung paano makisalamuha at makisama sa iba't ibang tao. Dito mo mararanasang bumarkada, magsinungaling sa magulang, makasama lang sa mga lakad ng kaibigan, magkaroon ng boyfriend/girlfriend, gabihing umuwi sa lakwatsa, tapos. Idadahilan sa magulang na gumawa ng project at hihingi ng pera kahit wala namang babayaran sa eskwelahan. O, di ba? Saya! Noong ako ay nasa high school, simula 1st hanggang 3rd year ay pang-umaga ang klase ko. Mahirap man gumising nang maaga, kailangan talaga, ayoko kasi sa lahat yung late. Noong ako ay nag-1st year, hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa mga kaklase ko. Nahihiya pa kasi ako at nandoon pa yung kaba. Isip bata pa ako noon at hindi pa gaano ka-matured ang ugali ko. Ang ginagawa ko lang ay manahimik at mag-aral ng mabuti. Dito rin ako nagsimulang magkaroon ng crush, kinikilig kapg nahuhuli ko siyang lumilingon sa akin. Hahaha! Todo kilig to the max naman ako. Yung akala mo wala nang bukas sa sobrang tuwa! ***** nama tayo sa buhay 2nd year ko. Sobrang saya ng tumuntong ako sa taon na ito. Dito ako nakakilala ng mga tunay na kaibigan. Naging barkada ko hangtag ngayon, kaso bihira na kaming nakakapag-usap at nagkikita kasi iba't ibang section na rin kami napunta. Dito ko unang naranasang maglakwatsa kasama ang mga kaibigan ko.
Ngayon naman ako ay nakatuntong na ng 3rd year. Dito ay unti-unti nang nag-matured ang aking ugali. Medyo hindi ako masaya kasi bago na naman lahat ng kaklase ko pero kilala ko silang lahat. Haap ng bagong kaibigan na naman sa klase pero mas naging close ko kung mga lalaki. Ewan ko kung bakit. Hahaha! Ayoko sa mga kaklase kong babae noon, ang aarte. Pero may ilan sa kanilang naging kaibigan ko rin. Excited na ako sa pagtuntong ng 4th year. Mukhang masaya Pero ito na ang huling yugto sa high school life. Siguro lahat iiyak, maghihiwa-hiwalay na kasi. Pero mayroon pa namang reunion, at ito ang buhay high school.