Sa paglipas ng panahon at makabagong sibilisasyon, maituturing pa bang wikang pambansa ang wika natin ngayon? Ito ang malaking katanungan na naglalaro sa aking isipan. Tila binabagabag ang aking isipan sa aking mga nasisilayan. Kaguluhan, Hindi pagkakaunawaan at sari-saring hindi magagandang salita ang naglalaro sa nakararami. Bakit? Bakit patuloy pa rin tayo sa masamang gawain na ito? Ngunit ang wika ay walang ibang hinahangad kundi kapayapaan, pagkakaisa at pagkakaunawaan dahil ang wika nation ay tunay na daang matuwid. Dahil ang wikang matuwid ay iisa lang ang layunin, ang bigyan ng tuwird at masaganang buhay ang bawat mamamayan. Balikan natin ang malaking katanungan, wika pa bang maituturing ang wikang pambansa ngayon? Tama! Wika pa ngang maituturing ang wika natin ngayon sapagkat ito ang nagbubuklod sa pusong wasak, pamilyang watak-watak at Pilipinong away at gulo ang dulot sa mundo. Ang wika ay matuwid tulad ng pag-ibig. Siya ang nagbibigay buhay sa mga Pilipinong katulad ko.