Oh kay gandang pagmasdan ang mga patak ng ulan Tila musika sa pandinig kapag ito'y bumabagsak sa bawat bubungan Animo nag-aanyayang tayo'y maligo't magtampisaw Kasabay ng mga bata na masayang naglalaro sa lansangan Aking naaalala noong ako'y bata pa Ang lagi kong dalangin, nawa'y bumuhos ang ulan Upang ako'y maligo't maglaro kasama ng aking mga kaibigan Hindi alintana kung may kidlat na paparating Basta't masaya kaming naglalaro sa kabukiran Noon, masaya na kami kapag umuulan Dahil hudyat na iyon ng aming paglalaro sa malakas na ulan At kapag tumigil na, si Ina'y nagluluto ng ginatan Upang mainitan daw ang aming mga tiyan Sa paglipas ng henerasyon, nabibilang na sa aking daliri ang mga batang naglalaro sa ulan Marahil mas ninanais na lamang nilang maglaro at humawak ng gadget kaysa magtampisaw Ang ilan nama'y takot magkasakit dala ng ulan Ngunit, kung inyong iisipin ang ulan ay biyaya ng Maykapal Nakabubuti ito sa ating mga katawan Kaya laking pasasalamat ko sa Maykapal Dahil naranasan ko ang maglaro't magtampisaw noong ako'y bata pa Hindi tulad ngayong henerasyon, na ang tanging ginagawa'y humawak at maglaro ng gadget Nakakalimutan na ata na sila'y musmos pa lamang upang maranasan ang saya ng kamusmusan