Sa gitna ng mga nagtataasang puno Halika't ating langhapin Ang amoy ng mga patak ng ulan Sa mga luntiang dahon ng kagubatan
Parating na ang dapithapon Di ba pwedeng manatili ka muna? Kahit sandali lang Tabihan ako kasama ng ingay ng katahimikan
Ang tamis ng mga sandaling itinanikala Sa mga ala-alang upos At ang mga sabik na yapos Ng aking mga kamay sa iyong mukha
Ang mga paglubog na araw na magkasamang tinignan Kung ako ang iyong tatanungin Gusto ko na lamang manatili Sa mga panahong kasama kang tumatakbo sa ulan.