Naiitindihan kita Gusto **** kumawala, hindi ba? Mula sa lipunang mapanghusga, Mula sa mundong walang ibang ginawa Kung hindi ang paikutin ka
Naiintindihan kita Gusto **** lumaya, hindi ba? Para ipahinga Ang isip **** litong-lito na Kung ano ba talaga ang dapat Kung ang ginagawa ay tama ba O kung tama na ba
Naiintindihan kita Gusto **** tumakbo, hindi ba? Kahit sinasabi nila na hindi iyon ang sagot at hindi iyong ang dapat
Pero hindi mo naman sila kailangang sundin Hindi mo naman kailangang laging magpaalipin
Sabihin mo sa ‘kin Gusto mo ba talagang mapag-isa? Hindi ka na ba talaga makahinga Kahit ang nilalanghap naman na hangin ay sariwa?
Pero sige, H’wag mo na akong sagutin Ipapaalala ko na lamang sa ‘yo
Walang ibang pwedeng magpapasya sa iyong tadhana Ikaw lamang hanggang sa wakas ng iyong hininga Alam mo naman ‘yon, hindi ba?