Pag-ibig na ito’y pagkagulo-gulo, Kung minsa’y baluktot, kung minsan ay wasto, Bulag ang katulad, tila nalilito Kung minsa’y may sakit ng pagkasiphayo.
Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila, Madarama nama’y kilig sa simula, Sa gitna ay ngiti at dulo’y may tuwa, Kung magmamahal ka ng tapat at akma.
Sa daraang araw, oras at sandali, Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti, Kung maaalala ang suyuang huli, At ang matatamis na sintang mabuti.
At ang minamahal kung makakapiling Ay tila kaybilis ng oras sa dingding Hahalik sa pisngi at saka yayakapin, Limot ang problema, hindi makakain.
Kung ika’y iibig, tandaan mo lamang, Ang tunay na kulay, sikaping sulyapan, Pagkat marami diya’y nagpapanggap lamang, Sa baba ng lupa ang pinanggalingan!