Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2018
Nananahimik sa isang tabi
Hindi mapakali
Itinatanong sa sarili
Anong nangyari sa atin nitong huli
Bakit tila nagbago ang lahat?
Matamis **** pakikitungo noon,bakit biglang umalat?
Yung damdamin na dati'y nag-aalab,
Nagliliyab,
Biglang lumamig—
Mas malamig pa sa yelo
Na tila ibinuhos mo sa aking ulo
Kaya nga nagising ako—
Nagising ako sa katotohanang wala nga palang "TAYO"
Ang mayroon lang ay ang "IKAW AT AKO"
At ang pagkakaibigan na tanging maibibigay mo.
Tanggap ko naman yun.
Pero mahal,wag mo naman sana akong paglaruan,
Okay lang naman sakin yung mga kulita't biruan
Pero kung feelings na ang labanan,
Bro, ibang usapan na yan!
Alam Kong Hindi mo alam,
Kase hindi ka nagtatanong
Yung mga pakunwaring concern mo?
Hindi nakakatulong!
Nasasaktan lang ako.
Nasasaktan lang ako sa tuwing pinaparamdam mo ng ilang sandali
Pinaparamdam na mahalaga ako—kahit alam ko namang Hindi!l
Nasasaktan lang ako sa tuwing naaalala kong pampalipas-oras mo lang ako
Dahil wala kang magawa o offline na yung bagong ka-chat mo!
Nasasaktan lang ako sa tuwing nagtatanong ka "pano kung gusto kita?"
At susundan mo bigla ng mga katagang"oy,joke lang yun ah!"
Nasasaktan lang ako sa tuwing pinaparamdam **** nagseselos ka sa iba
Kahit alam ko sa sarili kong hindi naman talaga!
Kase hindi naman talaga!
Nasasaktan lang ako sa bawat pagpuna mo ng suot ko, ng ayos ko,ng itsura ko
O Kung bakit hindi maganda ang isang tulad ko!
Kase pinaparamdam mo saking Hindi ko siya kayang pantayan
Hindi ko siya mahihigitan!
Teka mahal—pinanganak ako para maging ako't Hindi para gayahin ang iba!
Pinanganak ako para sumaya,
Hindi para pakialaman ng tulad **** bida-bida!
Nasasaktan ako— sa tuwing binabanggit **** totoo ang lahat—
Na Hindi ka lang nagpapanggap,
Na Hindi ka nagkukunwaring may pakialam
Na Hindi ko lang batid,na Hindi ko lang alam,na hindi ko lang ramdam—
Na Totoo yung lahat ng pinapakita mo—
Na hindi ka nagbabalat kayo..
Pero naguguluhan ako,nalilito
Isip ko'y nagtatalo
Bakit ganito?
Mahal! Ano nga ba tayo??
Sagutin mo ako!
Ano bang meron sa mga biglaang pagpaparamdam mo?
Pagkatapos ay mawawala't iiwan ang mga tanong sa isip ko
Nakakatanga!
Pinaglalaruan mo na naman ako diba?
Mahal,please lang! Ayoko na!
Pagod na akong masaktan! Please maaawa ka!
Durog na durog na ang puso ko
Ilang beses ko pa ba kailangang mahulog nang walang sumasalo?
Ilang beses ka pa ba magbibigay ng motibo na baka gusto mo rin ako?
Ilang beses mo pang paaasahin ang puso ko?
Mahal, pagod na ako.
Pagod na akong masabihan ng "MARTYR ",ng  "TANGA",
Kaya please lang,tama na!
Palayain mo na ako sa bitag na kinahulugan ko
Palayain mo na ako Sa bitag na nasa mga palad mo—
Palayain mo na ako mula sa bitag ng mapagkunwaring pag-ibig mo!
Crissel Famorcan
Written by
Crissel Famorcan  23/F/Pasig City
(23/F/Pasig City)   
7.8k
     solEmn oaSis and Crissel Famorcan
Please log in to view and add comments on poems