Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

My Heart

Sinong makakapagsabi na kaya ko palang iaalay ang kantang ito sayo. Nakalimot ako, Masyado kong nilunod ang mga oras ko kakaisip sa mga pighating dala ng imahinasyon ko. Nilamon tuloy di lang ng pagkatao ko kung hindi pati ang puso ko. Nakalimutan kong ikaw pala ang nagpapatibok nito. Sabi nga sa kanta, "this heart it beats, beats for only you". Pero nasaan ako? Ito, nilulunod ko ang sarili sa mga luhang hindi mapawi pawi. Nakalimutan ko na bago sya o sila dumating, ikaw ang unang lumapit. Nakalimutan ko na bago ako sa kanila umasa, hiningi ko muna sayo ang mga bagay na aking natatamasa. Nakalimutan ko na bago ako sa kanya o sakanila kumapit, kamay mo muna ang unang kumalinga. Nakalimot ako, na bago ako manlimos ng atensyon nya, o nila Binigay mo ito ng buong buo. Oo alam ko, naging matigas ako. Ilang beses mo na akong niyakap pero pilit akong pumipiglas. Oo alam ko, na sa tuwing nag iisa ako at lahat ng tao ay tinalikuran ako. Ikaw ang kahit hindi ko nakikita pero alam ko, andyan ka lang sa tabi ko. Inaalay ko ang kantang ito, dahil oo tama ang mga liriko nito. Hindi ko kaya ng wala ka. Ikaw na nagsilbing hanging payapa sa puso kong binabagyo ng galit, pangamba at kung ano ano pa. Ikaw na nagsisilbing huling hininga ko, huling pag asa ko. Pakiusap, wag kang mapapagod na yakapin ako. Isayaw, ang puso ko hanggang muling matutong magmahal. Isayaw, ang puso ko, tulad ng puso mo na walang ibang alam kung hindi ang magpatawad. Isayaw, ang pagkatao ko, At ibalik ako sa dating ako. Patawad nakalimot ako.
Request permission to use this poem
Written by
khat_R
34 / F / Philippines
For You?
Written by
khat_R
34 / F / Philippines
Published
Mar 23, 2018
Lines·Words
47·273
Notes

Published last October 1, 2017. Christian life program

Tags
#sfc#onesanroque#manilaph#clp#makhata#brokenhearted#pain#repentance#life#allforhim
Permission

Request to use this poem

Tell khat_R how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write