Kung bibigyan ako ng pagkakataon, Magsusulat akong muli.
Kung saan hindi ko pa ramdam ang sakit, Kung saan hindi ko pa ramdam ang pait, Kung saan masaya ang umpisa at masarap pa ang huli.
Kung saan buo pa ang sarili at wala pang pilas ang pagkatao Kung saan ang lahat ay umiikot pa sa ating dalawa.
Isusulat kita, Paulit ulit kong isusulat ang ilang berso ng ating kwento Dalhin man ako sa malayong pinagmulan nito, O dalhin man ako sa masakit na katotohanan nito.
Isusulat ko pa rin ng paulit ulit ang mga kwento natin, At patuloy kong babaguhin hanggang ang lahat ay maging tama.
Sa paraang gusto ko, Sa paraang maisasalba ko ang salitang "tayo".
Kahit parusahan man ako ng mundo, Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.
Hindi man alam ng mga tao, Hindi man ako pagbigyan ng puso nyang mahalin ka.
Ilayo ka man nya, Lumayo man kayo,
Uulitin ko ang mga kwento ko, Hanggang mag tama muli ang mundo mo at mundo ko.
Mamahalin kita ng paulit ulit. Hanggang ang salitang pagod na ako ay maging hindi na totoo Hanggang ang luha ko ay matuyo at di na muling tumulo.
Mamahalin kita ng paulit ulit, Hanggang huling hininga ko, uulitin ko ang pagkakataong ito.