Sumusulat s'ya sa akin ng liham, Ngunit ayaw n'yang ipaalam Tinatanong ko s'ya kung ano iyan Ang sagot n'ya'y 'di n'ya alam
Sa katagalan gusto ko malaman Binasa ko ito ng 'di n'ya alam Nalungkot ako sa aking nabasa't nalaman, Sapagka't ako'y kaniyang iiwan
Ngunit sa dulo'y ako'y naging luhaan, Sapagka't may sakit s'ya at walang gamutan Akala'y kami'y walang hangganan Ang isa pala'y mamamatay at ako'y iiwan.