Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

May Bago

Heto nanaman ako,  binabagtas ang daan papunta sayo. Nagbabakasakaling makakahanap ng katahimikan mula sa paborito kong pwesto. Paulit ulit akong pumupunta dito. Paulit ulit kong sinasambit ang mga salita ko at paulit ulit mong naririnig sakin ang pag susumamo. Paulit mo ring inaangat ang mukha kong nakalugmok sa aking mga palad At paulit ulit mo ring pinupunasan ang aking mga pisngi na walang pawis na dumadaloy ngunit mga luha. Paulit ulit mo rin pinaparamdam sakin ang iyong mga bisig na walang ibang alam gawin kung hindi ang kumalinga. Ang iyong mga mata na walang ibang alam gawin kung hindi ang maghanap ng nawawala at hindi ng mga wala. Ang iyong mga tenga na walang sawang makinig sa mga bagay na alam mo na at hindi sa mga bagay na gusto mo lamang marinig tulad ng iba. Ilang beses na akong nagdasal, nagmakaawa, nakipagpalitan ng mga hiling pero hindi ka nagsasawang makinig. Nag aantay ng mga susunod kong hakban kahit alam mong hindi ko pa kaya. at walang sawang magbigay ng mga gabay na kung madalas ay hindi napapansin dahil may ibang pakay. Sa pagdami ng iyong bisita alam ko magiging abala ka sakanila ngunit alam ko na ang aking dasal ay meron pa rin namang puwang sa iyong tenga. Sa araw na ito hindi ka mapapagod magpunas ng mga luha ko. Maglapat ng ulo ko sayong balikat. Makinig sa walang sawa kong mga hinaing. Dahil sa mga oras na to, Walang ibang laman ang aking puso kung hindi tula at papuri para sayo.
Request permission to use this poem
Written by
khat_R
34 / F / Philippines
For You?
Written by
khat_R
34 / F / Philippines
Published
Mar 8, 2018
Lines·Words
43·253
Tags
#faith#trustinhim#manilaph#praises#tagalogpoem#allforhim#makhata
Permission

Request to use this poem

Tell khat_R how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write