NoongΒ Β bata pa ako Gustung-gusto ko kapag malamig Iyong tipong hindi ko na kailangan ng electric fan At hindi rin ako pinagpapawisan Pero noon 'yon Nang wala pa akong ibang depenisyon ng lamig Nang hindi ko pa alam kung ano ba ang pakiramdam kapag may nanlalamig Akala ko kasi dati ang taong malamig lang ay iyong patay Akala ko kasi dati ang lamig ay dulot lang ng malakas na hangin, paparating na bagyo o kaya ng amihan Akala ko kasi dati hindi darating sa punto kung saan unti-unti ka nang magpapaalam Unti-unti mo na ako iiwan unti - unti mo na akong kinalimutan bakit? bakit kung kelan na magiging pamilya na tayo bakit kung kelan maroon ng laman ang sinapupunan ko bakit kung kelan may tatawag na sayong "ama ko" bakit mo kami binitawan at pinabayaan ng anak mo
Malamig Hindi dahil sa amihan o sa kung ako pa man Maayos ang panahon ngunit bakit ganoon Dati naman kapag malamig ay kuntento ang tulog ko Ngunit simula ng manlamig ka Nakakatulog ako matapos ang pagbuhos ng mainit na likidong nanggagaling sa mga mata Simula nang manlamig ka hindi ko na alam kung ano ba ang kaibahan mo sa yelo Simula nang manlamig ka hindi ko na alam ang gagawin ko Hindi ako sanay ng ganito Sanay ako sa mainit **** yakap Sanay ako sa mainit **** pagtanggap Pero sa lamig ng iyong tono'y naninibago ako Bakit ka nagbago? Ikaw pa ba iyan? O ang katauhan mo'y in-abduct na ng mga yelo Pero hindi ko matanggap Na sa pagbitaw mo sa aking mga yakap Sa hindi mo pagpaparamdam Sa hindi mo pagpansin May iba akong nalaman Kaya pala Kapag pala nanlamig na May nagpapainit na palang iba
Its a spoken poetry that I wrote and about an early pregnancy