Mahal, hindi mabait ang mundo. Alam kong napapagod ka na. Lilipas din ito. Hingang malalim, importante ka.
Kung pupwede lang, sana bumalik nalang ulit. Ikaw, na sinisintang pupurihin, paulit ulit.
Hayaan mo akong yakapin ang mga mali at pagalingin ang mga sugat na dumidiin. Sabihin mo lang, ika'y susundin.
Ilang beses mo akong niligtas dito sa buhay na puno ng dahas. Ito ako sa harap mo, hindi na makaka-alpas, ito na ang aking huling alas.
Ihain mo sa akin ang nadarama Aangkinin ko nang buo Kung sinoman siyang may sala Lalabanan natin pareho.
Sasaluhin ang mga luhang binitawan Kahit sa akin man ang kasalanan Basta't hindi na kita iiwanan Sa dulo, ikaw ay aking dadatnan.
Mga salita na inaalay para sayo, ipahiwatig lamang kung ito na ay dapat ihinto. Para manahimik na ang"mga "bakit?" at "pero" Hindi na magugulat sa mga sumasaradong pinto.