"ikaw lang at ako, yan ang pangakong binitawan mo, ikaw lang at ako pangako hanggang dulo ikaw lang at ako pangako yan mahal ko. "
hindi ko na maalala kung kaylan at paano nagumpisa pero ang sakit at sugat sa puso ay sariwa pa. minahal kita ng totoo at sobra sobra maski nga para sa sarili ko ay hindi na ako nagtira
naaalala mo pa ba noong tinanong kita miss pwede ba kitang mahalin? nagbiro ka pa nga "pwede, wag mo lang angkinin" ilang buwan din kitang sinuyo at pinaglaanan ng pansin at sa wakas aking sinseridad ay iyong binigyang pansin
ilang buwan din ang lumipas biglang nagiba ang pagtingin ako ba ang nagkulang o sadyang may iba ka na giliw? at akin ngang nalaman buhat sa isang kaibigan ako pala'y walang karapatan sapagkat hindi ako ang orihinal
mahirap man pero kailangang tanggapin eto ang kinahinatnan na bigay ng kapalaran ang tanging tanong ko lang bakit ganun naman tao lang ako nagmahal ngunit nasaktan
akala koy tunay pagmamahal **** pinakita yun pala'y isang huwad at nakamaskara ang iyong pagibig na ipinupunla sana'y inamin na ng mas maaga upang hindi na umasa pa na may isang taong darating upang aking makapiling