Ulan I Kasabay ng pagkulimlim ng langit Ay ang damdaming punong puno ng sakit Walang ibang gagawin kundi ang pumikit Huminga ng malalim at ngumiti ng pilit.
II Bawat paghikbing aking nagagawa Malakas pa sa ulan ang pagbuhos ng mga luha Tinatanong sa sarili kung may pakialam pa ba? O sadyang hindi mo na ako inaalala.
III. Sa bawat pagbuhos ng malakas na ulan Kasabay ng luhang di alam kung paano punasan O paano ayusin ang damdaming nasaktan, Hindi alam kung paano, hindi ko talaga alam.
IV Alam kong katulad ng ulan, sakit na ito'y maiibsan Ngunit may mga namamagang mata itong iiwanan Dahil kahit na ang ulan na tuluyan nang lumisan Makikita ang bakas, bahang naiwan ng ulan.