Kaninang madaling araw umiyak ang langit, Nabasa ng kanyang luha ang kalsada na dati mo’ng nilalakaran. Mamayang hapon susunugin ang iyong bangkay. Magiging abo ka at ilalagay sa banga. Sa museleo ng isang simbahan doon ka hihimlay, Matutulog ka na kasama ang ibang bangkay Na tulad mo’ng tinupok nang apoy. Noong isang gabi dinalaw ko ang burol mo, Payapa kang nakahiga sa kabaong , Hindi alam ng mga bulaklak at ataul ang hirap na ‘yong pinagdaanan. Nagpapahinga kana sa sinapupunan ng kawalan Kung saan ang lahat ay nagmula.