Nag-usap tayo tungkol sa pagmamahal At sa mga natagpuang lungsod, Tungkol sa mga kayamanan Na nakabaon sa ilalim ng pusod, Tungkol sa buntong hininga ng ilog, Sa paglaho ng dagat, ika'y nabasa Mga alak na may halong itlog Sa kumukulong tasa ng tsaa.
Nag-usap tayo tungkol sa sining Sa naglalagablab na ginintuang apoy, Isang binibining nakapiring Mga nawawalang ala-ala Mga kinalimutang pangalan, Na naglalagapag sa ngala-ngala Mga kagustuhang 'di mapagbigyan, Sa pagkislap ng bituin Isulat ang mga nais na malinawagan Kalooban ma'y kainin, At mga anino'y lumabo Sa gabing nakakapaso
Nag-usap tayo tungkol sa mga lobo At marami pang mga bagay, Sa pagtindig ng mga pabo, Tungkol sa mga orasang tumatagay At sa pag-ikot ng mga sirko, Kung paano ang pagtili ng mga kalapati Nagsiliparan sa itaas, Sa ilalim ng bahaghari Ako'y humihiling ng basbas Ngunit higit sa lahat Napag-usapan natin ang ating pagmamahal.