Kakaiba ang haplos ng banayad na musika, Masarap damhin sa puso. Pahinga ang dulot Sa pagod ko’ng kaluluwa, ginagamot pati mga Sugat sa aki’ng damdamin.
Hindi ako musikero, hindi ako umaawit Ako’y makata subalit minsan kahit ang mga Tula ay hindi sapat. Hinahanap rin ng sarili Ang ligaya na dulot ng musika at awit.
Masarap magsulat ng tula habang nakikinig Sa musikang hatid na gumigising sa damdamin. May naiibang katahimikan, isang tila paraiso Na aking sandaling nasisiksikan.