Walang may alam,
Ng tamang kasagutan,
Aninong nagparamdam,
Misteryong natuklasan.
Isang bugtong,
Isang palaisapan,
Sapat ba ang sariling dunong,
Upang mahanap ang kasagutan.
Ang palaisipan sa aking mundo,
Ang misteryong bumalot dito,
Ang sumulpot ng bigla bigla,
Isang paghanga, isang hiwaga.