“Set wide the window. Let me drink the day.” ― Edith Wharton, Artemis to Actaeon and Other Verses
Matapang, sino ang tunay na matapang? Yung siga ba sa kanto? O yung pulis na marami nang na-tokhang? Hindi kaya ang senador ng oposisyon Na laging bumabanat sa administrasyon? O baka naman yung mamang komentarista Sa radyo at telebisyon?
Saludo ako sa mga sundalo’t pulis na Nakipaglaban doon sa Marawi. Walang Sindak ang mga bombero na sumusugod Sa nagngangalit na dila ng apoy. Hindi matatawaran ang kagitingin ng Mga nagpapakasakit para sa kalayaan At kapakanan ng inang bansa.
Pero may ibang anyo ang katapangan Na mas malalim at kahanga-hanga. Ang katatagan ng puso at isipan sa gitna Ng dusa at malagim na paghihirap. Ang hindi pagsuko ng kaluluwang hindi Kayang ibilanggo ng takot at banta ng paghihirap.
Si William Ernest Henley ang bayani ng Katapangan na tinutukoy ko s’ya ay di nalupig Kailanman. Hindi s’ya sumuko sa siphayo ng kapalaran Hanggang sa huling sandali.
Pagnilayan natin ang kanyang Invictus:
“Mula sa gabing bumabalot sa akin,”
May mga kawawang nilalang na walang umaga Ang kanilang buhay puro gabing madilim ang laging umiiral. Walang liwanag, walang bukang-liwayway. Mula pagkabata hanggang pagtanda puro hinagpis at pait Ang kanilang laging sinasapit.
“Kasingdilim ng hukay na malalim,”
Maraming bangin sa buhay ng mga kapos palad Na nakabaon sa dusa at hilahil. Hindi nila ito ginusto Hindi kailanman pinangarap kaya’t hindi nila ito Kailanman matatanggap.
“Sa mga diyos, ako’y nagpapasalamat”
Ang mga kawawang mahihirap at mga mangmang Sa kaalaman na laging salat sa mabuting paliwanag Ay laging nagpapasalamat sa diyos. Salamat sa diyos…… Hahaha….. walang diyos mga hangal. Kung may diyos Wala sanang kahirapan at kaapihan na umiiral.
“Sa kaluluwa kong hindi natitinag.”
Katawang lupa lang ang sumusuko Ang kaluluwa at pusong matatag Kailanman ay hindi ito magagapi.
“Nahuli man ng pangil ng kapalaran,”
Ang pangil ng malupit na kapalaran Ay laging nakabaon sa leeg ng mga hampas-lupa At mga walang makain sa araw-araw. Pero hindi nito kayang sakmalin ang mayayaman at Ang mga burgis. Bahag ang kanyang buntot Sa harap ng mga panginoon.
“Kailanma’y di nangiwi o sumigaw.”
Kahit sumigaw ka at ngumawa nang husto Walang tutulong sa’yo, walang makikinig Dahil bingi ang mundo at bulag ang mata Ng panginoong mapagpala.
“Sa mga pagkakataong ako’y binugbog,”
Paos ang tinig ng mga inang mapapait kung humikbi Mga pinanawan ng pag-asa at ulirat dahil sa pag-iyak Walang saysay ang sumigaw – nakaka-uhaw ang Pag-iyak magmumukha ka lang uwak.
“Ulo ko’y duguan, ngunit ‘di yumukod.”
Bakit ka naman yuyukod sa putang-inang kapalaran Na walang alam gawin kundi ang mang-dusta at mang-api. ‘Wag mo’ng sambahin ang isang bathalang walang-silbi, Lumaban ka at ‘hwag magpadaig.
“Sa gitna ng poot at hinagpis”
Galit at lungkot ito ang kapiling lagi Ng mga sawimpalad. Malayo sa masarap Na kalagayan ng mga pinagpalang sagana Sa karangyaan at kapangyarihan.
“At sa nangingilabot na lagim,”
Nagmistulang horror house ang buhay ng marami Walang araw na hindi sakbibi ng lagim, walang oras Na hindi gumagapang ang takot. Takot sa gutom, sakit, At pagdarahop.
“Mga banta ng panahong darating,”
Bakit ang mga walang pera ang paboritong Dalawin ng katakot-takot na kamalasan sa buhay? Ganyan ba ang itinadhana ng diyos na mapagmahal At maunawain? Nakakatawa diba? Pero ito ang katotohanan ng buhay.
“Walang takot ang makikita sa ‘kin.”
Tama si Henley bakit mo kakatakutan ang lagim Na hindi mo naman matatakasan? Mas mabuti Kung harapin mo ito ng buong tapang at kalma.
“Kipot ng buhay, hindi na mahalaga,”
Para sa isang lugmok sa pagdurusa wala nang halaga Ang anomang pag-uusig at kahatulan na nag-aantay. Impeyerno? Putang ina sino’ng tinakot n’yo mga ulol.
“O ang dami ng naitalang parusa.”
Parusa, ang buong buhay ko ay isang parusa. Ano pa ang aking kakatakutan na parusa? Hindi naging maligaya ang buhay ko ano pa Ang mas malalang parusa na gusto mo’ng ibigay?
“Panginoon ako ng aking tadhana,”
Oo ako lang ang diyos na gaganap sa aking Malungkot na buhay. Walang bathala akong Tatawagin at kikilalanin ‘pagkat wala silang pakialam sa’kin.
“Ang kapitan ng aking kaluluwa.”
Walang iba na magpapasya sa aking tadhana Ako lang hanggang sa wakas ng aking hininga Ang dapat na umiral.
Si Henley ang tunay na matapang dahil kahit Pinutol na ang kanyang mga paa, sa gitna ng sakit At matinding dusa hindi s’ya sumuko. Ang kanyang Kaluluwa ay nanatiling nakatayo.