Naglalakad ako pauwi Ninanamnam ang hangin na pilit humahampas sa aking muka Tinitiis ang mga talaro na tila nasa paa ko
Hinintay kita Doon sa tagpuan na sinabi nating pagtatagpuan Doon sa upuan sa tabi ng liwasan Doon sa “Dito ang lagi nating kitaan” Na ngayon ay “Siguro mas mabuti mo na akong iwanan”
Kaya naglakad ako pauwi Nilibot ang mga pilak at bato sa kalsada Ang mga tutubi at mga langaw na kinakain ang aking kaluluwa
Umaasa parin ako na darating ka
Pero ang dumating ay ang pananamlay Ang kalungkutan Kinuha ako at itinago sakanyang mga braso Pilit akong kumalas at humiwalay Dinala niya ako sa kanyang tahanan Pinunit at ginahasa ang puso ko
Naglalakad ako pauwi Hawak ang puso kong namumutla Ang utak kong kumikirot