Kung ang bunga ng isang makata ay tula humihingi ako ng paumanhin sapagkat mapakla at hindi matamis ang sa akin.
Gusto ko sanang saysayin sa paraang patula ang buhay mo at dalita na tulad sa bulaklak ay nalanta nang ikaw ay dahasin ng mga puting dayuhan.
Ikaw ang Sisa na nabaliw sa paghahanap ng iyong Crispin at Basilio, Babaylan kang hinubaran ng dangal sa harap ng madla, subalit ikaw din ang Gabriela na nag-armas at lumaban.
Inang Bayan ko na sakbibi lagi ng lumbay kailan mo kaya makakamtan ang tunay na kalayaan na kay tagal mo nang inaasam?
Wala kang maasahan sa mga anak **** hangal na parang birhing matimtiman na laging nakaluhod sa paanan ng dayuhan; mga putang walang kahihiyaan na ibenibenta lagi ang puri mo't dangal.