SAPAT BA ANG MGA SALITA SA SINAPUPUNAN NG IYONG GUNITA? MERON BANG PATINIG NA MARIRINIG SA IYONG TINIG? ANG IYONG MGA UNLAPI HINDI KAYA SILA MAPIPI? KUNG SA TINGIN MO AY MATIBAY ANG IYONG PANULAT, SIGE MAGPATULOY KA, PATUNAYAN MO NA IKAW AY ILOG NA HINDI RIN NAMAN NATUTUYO.
ITALA MO SA TALA ANG IYONG MGA ALA-ALA AT HUGUTIN MO SA IYONG DIBDIB ANG MGA LINYA NA MAPANG-ANYAYA NANG SUMAYA NAMAN KAHIT ANG MGA NAPANGANYAYA.
HAYAAN MO NA ANG IYONG PANULAT AY MAGSILBING PISIL SA PUSO NG LINSIL NANG SA GAYON AY HINDI NA S’YA MAKAPANIIL.
SAKBIBI KA MAN NG LUNGKOT NOO MO’Y WAG SANANG MANGUNOT YAKAPIN MO ANG IYONG MGA TULA UPANG HINDI KA MABUGNOT.
MAKABAGONG MAKATA HANDA KA BANG MAMANATA UPANG HINDI MAGMUKHANG DELATA?