“Change is the only constant thing in this world.” ‘Yan ang sabi nila Mula sa isang musmos na sanggol na noon ay gumapagang lamang Ngayon ay lumalakad patungo sa landas na nais niyang puntahan Papasok sa eskwelahan upang matuto Tumatakbo at sumasabay sa karera ng buhay Mga bagay na lumiliit at lumalaki Mga gusaling nagsisitaasan Mga paniniwalang binabago ng panahon At mga damdamin na noo’y binubuo tayo Ngayon nama’y nagpapaguho sa’ting mundo. Oo, alam ko. Alam nating lahat na walang hindi magbabago sa lugar na ‘to. Maaring bukas ay masaya dahil andiyan siya Andiyan sila Makikinig siya Makikinig sila Ngunit sa susunod ay wala na Mga pangakong binitawan Nasaan na? Napako na nga ba tulad ng iniisip at sinasabi nila? Bukas makalawa maaring magbago ang ihip ng hangin Hindi ko alam kung bukas ba ay ganoon pa rin Maaring andiyan sila Oo andiyan sila Inuulit kong andiyan sila Pero baka sa isang araw o isang buwan maaring sa isang taon walang nakakaalam pagkurap ko ay maglaho na Maglaho na parang bula Na parang hindi sila nangakong parating makikinig May dalawang klase ng pagbabago Mga pagbabagong magpapatag sa’yo Merong wawasakin ang buo **** pagkatao Ngunit gagamutin mo ang iyong sarili Tatayo ka gamit ang sarili **** paa Dahil ikaw lang meron ka Oo. Sarili mo lang ang meron ka Kaya ikaw, oo ikaw. Ihanda mo ang sarili mo sa pagbabago Kagaya ko Handa ako change Pinaghandaan ko ‘to Tinatanggap ko Pero hindi ko sinabing hindi ako apektado.