Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Tula·Para·Sa·Mga·Tulala

by @blackhole

Tulala sapagkat walang ginagawa, sa maghapong oras ay nagdaraan Tulala sapagkat napapagal, buong araw sa trabaho ay inilalaan Tulala sapagkat sawi, puso ay humahangos at puno ng pighati Tulala sapagkat nabigla, may gantimpala, sa mukha nakapinta ang ngiti Ito nalang marahil ang tanging pahinga ng isip, panahon na walang alintana Masasabi mo nalang ang “bahala na” na nagmula pala sa pariralang “Kay Bathala na” Ang pagtingin sa kawalan ay para ring mahimbing na tulog sa gabi- Gabing mga suliranin na ninanais mo nalang kitilin at itago ang labi At kahalintulad din nito ang bagong umaga na ang hudyat ay ang sikat ng araw- Araw mong pagpapaalala sa iyong sarili na matapos ang unos, bahaghari ay lilitaw Libu-libong berso at pangungusap na ang nagawa para gunitain ang pag-ibig Ngunit bakit bihira ang para sa isip na hindi ito naiisip, isip na puno ng ibang ligalig Ang literatura ba sa kanila ay sadyang mailap? Hindi inilaan sa kundiman Kung hindi man, ay para saan? Iwaglit na ang mga sapantaha, sapagkat ang tulang ito ay nagawa na Tula para sa mga tulala, tula para sa akin, sa iyo, at sa kanila At hayaan mong ang isip ng isang tulala ay maglayag Bagamat tahimik, tiyak na marami itong ipahahayag
Request permission to use this poem
Written by
blackhole
For You?
Written by
blackhole
Published
Oct 18, 2017
Time
2m
Permission

Request to use this poem

Tell blackhole how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write